Huwebes, Setyembre 1, 2016

Sa National University

               


                                Ako ay nag aaral sa National University bilang isang Marketing student may sinusunod kaming mga core values pati na rin sa ibang University o paaralan. Sa aking paaralan sa National Univesity may limang core value, Una magalang, Ang mga estudyante ng NU ay may pag galang sa kanilang guro at di lang sa kanilang guro pati na rin sa kanilang mga kaklase at kamag-aral. Sa aking kurso na marketing kasama ito sa aming pinagaaralan dahil pag kami ay nakatapos may makikilala kaning matataas sa amin na dapat respetohin.

 Pangalawa maawain bilang mag aaral sa NU nakikita ko ang pag-aalala ng bawat isa at sa kanilang mga kaklase at ganon din ang mga guro sa kanilang mga estudyante na may problema na pinagdadaanan sa kanilang pagaara.

Pang-atlo masipag, Ang mga mag aaral sa NU ay masisipag sa kanilang pag aaral at dahil pinapahalagaan nila ang kanilang mga pangarap pag natapos na sila at mag papatunay nito ang aking mga klaklase dahil sa aking kurso kailanangan na masipag ka para makapasa ka.

Pang-apat mapagkakatiwalaan, Sa NU ka makakakilala ng mga mag aaral na mapapagkatiwalan at di ka matatakot na mag iwan ng gamit mo dahil wala naman kukuha nito at higit sa lahat pag may na iwan o nawala na gamit mo makakaasa ka na maibabalik sayo dahil ang mga estudyante ng NU ay di nangunguha ng gamit na di kanila.

At ang pang-lima matatag bilang isang marketing student pinapagawa ng mga guro dilang sa aking kurso pati din sa iba ang mga estudyante ng NU ay mga manhid na sa mga gawain kahit na ano ang ibato sa kanila kinakaya nilang gawain at sa NU ang mga estudyante na katulad ko ay di na natitinag na kung ano-ano pa man na ipigay sa amin ng aming mga guro gaano man karami makakaya namin ito matapos basta lang alam namin sa aming sarili na kaya namin at di kami susuko kaya nga mga mag aaral sa National University ay isang halimba ng mga modelo sa mga kabataan.